Higit 71K – nakapasa bilang mga bagong teachers sa Licensure Exam for Professional Teachers

Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng March 2024 Licensure Examination for Teachers (LET) sa parehong elementary at secondary levels.

Sa datos ng PRC, nasa 20,890 mula sa 44,764 examinees ang mga nakapasa ng LET para sa elementary level, habang 50,539 mula sa 85,980 examinees ang mga nakapasa para sa secondary level.

Sina Mary Grace Manuel Bamba ng Bataan Peninsula State University-Dinalupihan, Khane Jevie Rose Solante Cervantes ng Davao Oriental State University- Cateel Campus, at Queenie Macalindong Macatangay ng University of Batangas ang mga nakakuha sa top spot ng elementary level sa average score na 92.40 percent habang si Javerson Loquina naman ng Christian Colleges of Southeast Asia ang nakakuha sa top spot ng secondary level sa average score na 92.80 percent.

Sa 20,890 na elementary teacher passers, 17,561 ang first timers at 3,329 ang repeaters habang sa sekondarya, 41,787 na pumasa ang first timer at 8,752 ang repeater.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *