Motorista, patay ng araruhin ng Dump Truck sa Daraga, Albay

DEAD-ON-THE SPOT ang isang motorista ng ito’y araruhin ng isang dump truck sa Brgy. Bañag Daraga, Albay.

Ayon sa Daraga Municipal Polcie Station, kinilala ang biktima na si Roy Loria Ramos, 40 anyos na taga Brgy. Kidaco ng nasabing bayan at and driver naman ng nasabing truck ay si Hilis Estolonio, 32 anyos na residente ng Sta. Cruz Casiguran, Sorsogon.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ayon sa kuhang CCTV footage ng barangay, makikita na parehas na sasakyan ang tumatakbo sa parehong linya na kung saan sa unahan ang motorsiklo ngunit pagdating sa interection road, biglang nahagip ng truck ang motorista, tumumba hanggang sa nagulugan ng gulong.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Tumigil naman ang sangkot na driver subalit ayon sa mga otoridad, nagtamo si Ramos ng fatal head injuries na dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Kasalukuyan na rin na nasa himpilan ng pnp ang driver ng truck para sa kaukulang aksyon.