DOST humingi ng paumanhin kung hindi kaagad natutugunan ang pangangailangan ng ilang LGUs

NAGA CITY- Humingi ng paumanhin ang Department of Science and Technology kung hindi kaagad nila natutugunan ang pangangailangan ng ilang mga Local Government unit (LGU) na lumalapit para sa mga serbisyong kinakailangan.

Sinabi ni USec. Sancho Mabborang sa pagbisita nito sa Naga City na malaki rin ang ginagampanan ng DOST subalit kulang sila sa empleyado kumpara sa ibang mga ahensya ng pamahalaan. Ibinigay na halimbawa ni USec. Mabborang ang isa sa kanilang mga sangay na Meteorological and Hydrological Services agency o ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kulang din aniya sa mga taong nakakausap ng mga kawani ng media lalo pa kung may sama ng panahon.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase
Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang DOST ay may budget na P24.268 billion para sa 2022 mula sa P5.024-trillion national budget na pirmado ni Pangulong Duterte noong Dec. 30, 2021.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato “Boy” T. de la Peña mas mababa ito ng P919.8 million kumpara sa 2021 appropriations.