Motorista na naka-full face helmet tiniketan dahil sa hindi pag-suot ng face mask

Ikinagulat ng isang motorista ang ginawang paniniket sa kanya ng isang kawani ng PNP matapos makitang wala itong suot na face mask sa kabila na naka-full face helmet ito.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Joe Jay Distor, nagmamaniho ito ng kanyang motor kahapon (October 26, 2021) ng umaga nang madaanan nito ang checkpoint ng PNP sa bahagi ng Adventist Hospital.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Dagdag pa nito, itinaas lamang niya ang lens ng kanyang helmet at walang violation nang i-check ng PNP personel ang kanyang lisensya at OR/CR, subalit nagtaka na lamang ito nang bigyan ng ticket dahil sa violation na hindi pagsuot ng facemask.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Paliwanag ni Distor, sakto lamang sa kanyang ulo ang full face helmet at masisira ang face mask kapag isusuot.

Samantala, ipinakita naman nito ang dalang face mask at ginagamit niya lamang kapag huhubarin na ang helmet, ngunit iginit ng pulis na may ipinatutupad na ordinansa na bawal ang hindi naka-face mask.