Ipapatawag para sa question hours ng Sangguniang Panlalawigan ang Department of Works and Highways (DPHW) at ang kontraktor ng tulay na hindi pa natatapos sa Barangay Maasin, Brooke’s Point, Palawan.
Ayon kay Board Member Ryan Maminta, ipapatawag ang mga ito sa susunod na regular na session at iba pang indibidwal upang pagpaliwanagin sa proyekto.
Matatandaan nitong nakalipas na September 31, 2021 ay unang iminungkahi ni Board Member Cesario Benedito na imbitahan sa Committee Meeting ang mga ito dahil sa naturang tulay na hanggang sa ngayon ay problema ng mga motorista at commuters sa tuwing umuulan ay hindi madanan ang detour ng ginagawang tulay.
Samantala, nitong nakalipas na Lunes, October 25, 2021 ay tuluyang nasira ang detour na kung saan ay maraming mamamayan ang naperwisyo.