Apoy, sumiklab sa isang bahay sa Puerto Princesa

Agad naapula ng mga magkakapitbahay ang apoy na sumiklab sa loob ng bahay sa Saint Mary Village Brgy. San jose Puerto Princesa City.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Naiulat ang sunog bandang 2:47 ngayong hapon ng Miyerkules at ganap na 2:50 ay idineklara itong fireout.

Sa inisyal na pagsisiyasat, ang apoy ay sumiklab sa kwarto ni Ms. Rutchel T. Lepalam.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Samantala, walang naiulat na nasaktan sa insidente habang iniimbestigahan na ngayon ng BFP ang pinangyarihan.