Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang pagkamatay ng motorista at angkas nito matapos bumangga sa isang poste sa new zamboanga city electric cooperative sa national highway, zone 8 barangay ayala, zamboanga city.
Kinilala mga biktima na sina Alemar Macasling Baricuatro, samantala nakilala din ang backrider nito na si Arnel Lumod, parehong dalawampu’t isang taong gulang.
Ayon sa mga saksi, mabilis umano ang takbo ng nasabing motorista mula sa city proper patungo sa Barangay Labuan nang mangyari ang aksidente.
Bumangga at sumalpok ang kanilang motorsiklo sa isang poste at sa gilid ng kalsada, dahil sa lakas ng impact nagdulot ito ng matinding pinsala sa ulo at katawan ng driver at ng kanyang back rider.
Agad namang isinugod ang dalawang biktima sa ospital subalit na idineklara itong death on arrival ng doctor.
Dinala naman sa police station 9 para sa karagdagang imbestigasyon.