Kamakailang baha sa Senado, hindi umano malabong dahil sa reklamasyon – senadora

Inamin ni Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, Chairperson, Senadora Cynthia Villar na ngayon lang sila nakaranas sa Senado ng pagbaha matapos ang naging pananalasa ng Bagyong Carina.

Anya, posibleng tama ang ilang senador na ang reclamation projects na isinasagawa sa Manila ang sanhi nito.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Una na rito, sinabi ng ilang senador tulad nina Senador JV Ejercito at Senador Migz Zubiri na maaring nagdulot ito ng pagbaha dahil wala ng malabasan ng flood water sa Pasay at Manila.

Samantala, binigyang-diin ni Villar na importanteng maprotektahan ang Senate grounds lalo na’t pagmamay-ari ito ng gobyerno.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Anya, kung hindi kase ito maisasaayos ay maaring malaking pera ang mawala sa pamahalaan sa pagbaba ng value nito.

Kasunod nito, iminungkahi niyang idaan sa mabusising pag-aaral ang pagbibigay ng pondo para sa flood control.