Naitala sa bansa ang pinakamataas na mortality rate sa nakalipas na 63 na taon, noong 2021, dahil sa mga naitalang death tolls mula sa COVID-19 at heart attacks.
Ayon sa Commission on Population and Development (PopCom), nagtala ang bansa ng 768,504 fatalities sa unang 11 buwan noong 2021, dahilan para magmarka sa 6.98 per thousand ang mortality rate.
Ang naturang bilang ay mataas sa 154,562 kumpara sa mga namatay na naitala noong 2020 sa 5.8 per 1,000 Filipinos.

Sa pagtatapos ng 2021, sinabi ni PopCom executive director Dr. Juan A. Perez III na tinatayang ang mortality rate ay nasa 7.5 o 8 per thousand —bagama’t hindi pinakamataas na mortality rate sa bansa, ay pinakamataas na bilang ng mga Pilipinong namatay sa loob ng ng isang taon.
Dagdag ni Perez, huling umabot ang bansa sa naturang bilang ay noong 1958 hanggang 1959, kung saan mayroong 7.3 hanggang 8.4 deaths per 1,000 people.//MHEL PACIA-TRINIDAD