Inihayag ng Department of Education (DepEd) na halos 90 percent na ng nasa 85,000 na mga guro sa Metro Manila ang nabakunahan sa COVID-19, sa harap ng posibleng resumption ng face-to-face classes.
Ayon kay DepEd NCR Regional Director Wilfredo Cabral, ang percentage ng vaccinated teachers sa Metro Manila ay mas malaki kumpara sa national average, na 80 percent.

Una nang sinabi ng DepEd na ang in-person classes sa National Capital Region ay magbabalik sa oras na ibalik sa NCR ang mas naluwag na alert level, na nagpapahintulot sa galaw ng mga bata.
Samantala, nang matanong naman ito kung irerequire ba ng DepEd ang lahat ng mga guro na magpabakuna laban sa COVID-19, sinabi ni Cabral na ang sinumang nagtuturo sa public school ay kailangang kumuha ng bakuna.//MHEL PACIA-TRINIDAD