Pinakakasuhan ng Senate blue ribbon committee si Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na bumaba na ito sa pwesto, dahil sa umano’y maanomaliyang pagbili ng pandemic-related supplies.
Ang rekomendasyon ay kasama sa nilalaman ng 113-page draft report na inilabas ng chairman ng naturang panel.
Sa ngayon, kinikilala ng Senate Blue Ribbon ang pagkakaroon ng immunity from suit ni Duterte, pero kailangan umano nitong makasuhan sa oras na wala na sa pwesto, dahil sa nangyaring sa malaking anomaliya.
Giit sa draft ng report, ang pangulo ang nagtalaga sa lahat ng tao na nag-apruba sa naturang mga transaksyon at prinotektahan at denepensahan ang mga ito nang mahuli sa naturang krimen.

Sa gitna nito, inakusahan rin ng panel si Duterte ng pagtataksil sa tiwala ng publiko, dahil sa umano’y pagbabanta sa mga senador, dahil sa kanyang umano’y non-action sa tinawag na “gargantuan scam”, cover-up efforts, at pansamantala sa kanyang presidential powers para pigilan ang mga opisyal at empleyado na makadalo sa mga pagdinig, at kawalan ng aksyon sa mga pandarambong. //MHEL PACIA-TRINIDAD