Mamahaling laptops na solong nagagamit ng Davao team ng PCOO, kinwestyon sa Senado

Kinwestyon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagbili ng Presidential Communications Operations Office ng high-end laptops na solo na ipinapagamit sa team nito sa Davao City.

Sa deliberasyon ng Senado para sa 2022 proposed budget ng PCOO, ay isiniwalat ni Sotto na bumiti ang Radio TV Malacañang ng walong high-end laptops na nagkakahalaga ng mahigit P2-million.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Inihayag niya na nasa P280,000 ang bawat isang laptop.

Gayunman, sinabi ni Sotto na sa kanilang pagsasaliksik, ay tinatayang nasa P190,000 lamang ang halaga ng pinakamahal na laptop ngayong 2021.

Bilang sagot ay sinabi ni Senator Richard Gordon, na sponsor ng PCOO budget na kinailangan ng ahensya ang extremely high-end laptops sa Davao City, kung saan ay laging makikita ang Pangulo.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Tiniyak naman ni Gordon na gagawa si PCOO Secretary Martin Andanar ng report kaugnay sa mga mamahalin na laptop.