Ilalarga na ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte at ng Department of Health- Center for Health and Development Bicol (DOH- CHD) para sa pagbibigay ng Special Risk Allowance (SRA) sa mga eligible health workers.
Ito ay makaraang aprobahan ng Sangguniang Bayan sa regular na sesyon noong Lunes ang hiling ni Mayor Adrian Davoco na mabigyan siya ng authority na pumasok sa isang MOA sa pagitan ng LGU at DOH- CHD Bicol na sinertipikahang “urgent.”
Sa ilalim ng kasunduan ay bibigyan ng authority ang Alkalde in behalf ng LGU na makuha ang pera para sa Special Risk Allowance (SRA) ng mga eligiblie health workers.
Ang mga eligible health workers na makakatanggap ay yaung direktang may contact sa mga COVID- 19 patients sa panahon ng state of national emergency.
Kaugnay nito ay maghahain ng resolusyon ang SB para magbigay ng kapangyarihan sa Alkalde na pumasok sa naturang kasunduan.
