CAMARINES NORTE- Tatlong araw bago ang pagbubukas ng School Year 2021- 2022 sa Lunes, September 13, nasa 87. 42 % na ang enrollment sa Schools Division Office ng Camarines Norte.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd) as of Sept 10, 2021 nasa 153, 786 na ang nakapag enroll at kaunti na lang ay maabot na ang 175, 911 enrolles noong isang taon.
Ang naturang bilang ng enrollees ay mula Kinder hanggang Senior High School mula sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa lalawigan.
Dahil dito nasa kategoryang “Doing Great” ang SDO Camarines Norte sa enrollment performance gayundin ang apat pang Division sa Bicol.
Inaasahang madadagdagan pa ang mga enrolles dahil tatanggap pa naman ang DepEd kahit magsimula na ang pasukan sa Lunes.
Dahil sa patuloy na banta ng COVID- 19 ay mananatili ang distance learning ngayong School Year.
Dati nang pinayuhan ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo ang mga magulang na makakatulong sa mga bata kung mayroong ilalaang espasyo sa loob ng tahanan para sa kanilang pag- aaral.
