MNWD handang mag provide ng water lorry para sa mga evacuees sa Albay

NAGA CITY- Handa ang Metro Naga Water District na nag provide ng water lorries sa mga evacuees sa Albay na apektado ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni General Manager Jun Mongoso. Aniya sa ngayon wala pa namang request tulad ng pagtap ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) sa probinsya ng Camarines Sur pero handa sila gayong mayroon namang tatlong lorries ang MNWD. Aayusin lamang aniya ang scheduling kung sakali dahil nagdedeliver din sa karatig bayan tulad ng Gainza , Camaligan , Magarao at sa Mabolo, Naga.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business
Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Wala din aniyang problema dahil sapat naman ang supply ng tubig.

Mababatid na sa ulat ni DSWD Regional Director Norman Laurio kay DSWD Secretary Rex Gatchalian nag tap sila sa Camarines Sur sa inter-provincial operability para sa water lorries, mobile clinics at mobile kitchen.