DSWD Sec., bibisita sa Albay upang mag-inspeksyon sa warehouse at evacuation centers

LEGAZPI CITY – Kumpirmado na darating ngayon araw ang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Rex Gatchalian upang tingnan ang pinaglagyan ng mga family food packs sa Provincial Engineering Office warehouse sa bayan ng Camalig, Albay.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa pagbisita ni Gatchalian, magsasagawa ng consultation sa mga Local Chief Executives at sa gobernador upang pag-usapan ang kalagayan ng mga evacuees sa evacuation centers.

Hihingi na rin ng tulong ang mga local officials sa National Government dahil hindi kakayanin LGUs ang pondo kung sakaling magtagal ang mga ito sa evacuation centers.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Inaasahan din na mag-iinspeksyon sila sa mga kalapit na mga pasilidad upang tiyakin na maayos ang kalagayan ng mga nagsilikas at nabigyan ang mga ito ng family food packs mula sa ahensya.