LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang LGU ng Legazpi sakali mang itaas sa alert level 4 ang status ng Bulkang Mayon.
Ito ay dahil sa mahigpit na pagsusuri ng LGU sa mga evacuation centers na gagamitin kung sakaling marami pang mga pamilya ang dapat na ilikas.
Ayon kay City Mayor Geraldine Rosal, inihahanda na nila ang ilang mga paaralan na gagamitin bilang evacuation center kung hindi kayanin ng tatlong evacuation centers ang dami ng pamilya na lumilikas.
Mahigpit namang pinaalalahanan ng LGU ang publiko na huwag papasok o gagawa ng anumang aktibidad sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone ng bulkan.
Samantala, pinaghahanda na rin ang mga barangay ng Padang, Bonga, Buyoan, Mabinit, at Matanag, kung sakali mang mas lumala pa ang sitwasyon.