MMDA, ibabalik ang truck ban sa EDSA at major roads simula sa May 17

Ibabalik na ng Metropolitan Manila Development Authority ang kanilang truck ban policy sa mga major roads simula sa May 17.

Ito ay kasunod na ibaba na sa general community quarantine (GCQ) ang quarantine classification sa National Capital Region.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Dahil dito, hindi na papayagan ang mga trucks na dumaan sa major thoroughfares na binabantayan ng MMDA, mula alas 6 a.m. hanggang 10 a.m. at 5 p.m. hanggang 10 p.m. kada Lunes hanggang Sabado.

Maliban dito, pagbabawalan rin ang pagdaan ng mga ito sa EDSA – Magallanes Interchange sa Makati City hanggang North Avenue sa Quezon City – mula Lunes hanggang Linggo.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Exempted naman sa truck ban ang mga nagdadala ng perishable at agricultural products.

Matatandaan na sinuspende ang pagpapatupad ng naturang polisiya noong March 29 para matiyak na hindi maantala ang galaw ng mga essential goods sa gitna ng mahigpit na quarantine restrictions sa Metro Manila. //MHEL PACIA