Mga guro, makakuha ng tatlong buwang halaga ng internet load — DepEd

Nakatakdang ipamahagi ng Department of Education (DepEd) sa mga guro ang connectivity load na sapat para sa loob ng tatlong buwan sa Hunyo.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, may pandemya o wala, sinusunod ng departamento ang mga polisiya at programa na lalo pang susuporta sa mga guro.

Sa pamamagitan ng connectivity allowance, umaasa silang patuloy na matutulungan ang mga guro sa kanilang tungkulin na maghatid ng kalidad na edukasyon sa mga learners sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sinabi naman ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Del Pascua na sinimulan na nila ang procurement process ng connectivity load na magbibigay sa mga public school teachers ng 30 hanggang 35 GB data allocation kada buwan.

Binigyang diin ni Pascua, na ang 35GB per month ay sapat na para sa online teaching activities ng mga guro, bilang ang 1GB bandwidth kada araw ay magagamit na sa loob ng walong oras na online webinars, downloading, panonod ng videos, at iba pa.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Dagdag ni Pascua, ang hindi magagamit na data allocation ay idadagdag sa susunod na mga buwan hanggang sa isang isang taon at hanggang sa maubos na ng user ang 100GB. // MHEL PACIA