Binigyang-diin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Don Artes na nakikipag-ugnayan na ito sa ilang opisyales na responsibilidad sa mga pampublikong transportasyon.
Ito ay upang matiyak ang magaan at maayos na sistema ng transportasyon ng MRT, LRT at EDSA Bus Carrousel sa darating na Undas at Pasko.
Kaugnay nito, hinihikayat ng MMDA ang publiko na gamitin ang Pasig River Ferry Services upang maiwasan ang pag-build up ng traffic.
Dagdag pa niya, mas mapapadali rin ang byahe ng mga commuters kung ito ang kanilang gagamitin.