Nagpaabot ng pasasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa mainit na pagtanggap na ipinakita ng British Group Inter-Parliamentary Union.
Ito ay matapos imbitahan ng UK Parliament ang Pilipinas para sa isang pagpupulong na magpapalakas ng UK-Philippines friendship.
Kung saan, kasama sa dumalo ni Zubiri rito sina Senadora Grace Poe at Senador Christopher “Bong” Go.
Ilan sa mga napag-usapan dito ay ang larang tungkol sa defense and security, renewable energy, public health, trade and industry, tourism at people-to-people exchanges.
Maalala, nasa mahigit 200,000 Filipino OFW ang mayroon sa UK bilang ito ang pinakamalaking tourist market sa buong Europa.