BJMP, tiniyak na handa na sila sa paparating na BSKE 2023

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na handa na ang kanilang buong pwersa sa gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Ito ay upang matiyak na makaboboto ang lahat ng mga rehistradong persons deprived of liberty (PDL) at maise-secure ang gagamitin nilang pasilidad para rito.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Kaugnay nito, nakipag-usap na rin sa election officers ang nasabing ahensya.

Ayon pa sa kanila, kung sakaling baba naman sa limampu ang maitatalang rehistradong botante sa loob ng kulungan ay eescortan na lang nila ang mga ito papunta sa kanilang actual na polling station.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Samantala, kung lalagpas naman ito sa limampu ay magsasagawa sila ng special voting precint sa loob ng mga presinto.

Maalala, nagpulong na para sa ikalawang Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) Conference sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang ilang lider ng iba’t ibang ahensya upang mapaghandaan ang nalalapit na eleksyon.