MMDA Chairman Artes: ‘hindi raw successful’ ang transport strike ng MANIBELA

“I don’t it’s a success”

‘Yan ang naging pahayag ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes kung ang pagbabasehan raw ng MANIBELA ng successful transport strike ay ang libreng sakay.

Kwinestiyon kasi ng MANIBELA na kung hindi na epektibo ang strike ay bakit kinailangan pa raw mag-deploy ng libreng sakay sa mga komyuter.

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Ayon kay Artes, kaya nag-iistrike ay dahil may pinaglalaban.

Sa aspetong iyon raw ay hindi niya nakikita na successful ang grupo dahil nagsalita na raw ang Pangulo na tuloy ang modernisasyon.

Read More:  Duterte defense opposes ICC request to inspect seized items

Dagdag pa niya, ang pagdedeploy raw ng libreng sakay ay dahil sa ayaw nilang maabala ang ating mga kababayan at obligasyon nila na tugunan ang pangangailangan ng mga komyuter.