Nahaharap sa kontrobersiya ang Coast Guard Sub-Station Agutaya at Municipal Police Station ngayon matapos silang akusahan ng “pagkuha” ng mga isda at krudo sa hinuling bangka mula sa Mindoro.
Ang bangka ay nahuli sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 30 Series of 2019 nang sila ay makapasok sa 5.3 NM ng Barangay Maracanao, Agutaya.
Pero ayon sa may-ari ng bangka na si Ginoong Jeffrey E. Guansing, maraming kinuhang isda at krudo ang mga tauhan ng coastguard na hindi dapat nangyari nang mahuli ang kanyang FBCA RAPTOR HRBS noong ika- 31 ng Hulyo.
“PCG at mga sumamang MPS na sumampa ng bangka… 50kg daw po ay sa Pulis napunta, ayon sa mga tripulante ko…ang krudo nmn na 60L ay sa Coastguard po napunta at isda din po.”- Jeffrey E. Guansing
“Tama po. 2 cg, 3 pulis base dito sa document”- ani pa ni Guansing.
Ayon sa COAST GUARD STATION EASTERN PALAWAN, ang Certificate of Orderly Inspection ay isinagawa nang maayos at propesyonal.
Ang Kapitan ng Barko, si Mr. Alfredo Paguia, ay pumirma sa dokumento sa harap ng mga tauhan ng Coast Guard at PNP.
Nakipag-ugnayan na ang Brigada sa Coast Guard Sub-Station Agutaya kaugnay sa alegasyon.