Miyembro ng Philippine Marines, nalunod sa training – patay

Patay ang isang miyembro ng Philippine Marines matapos malunod habang nagsasagawa ng Special Platoon Operation Training – Water sa katubigan ng Brgy. Poblacion, San Vicente, Palawan noong ika-25 ng Agosto, 2024.

Ang nasawi ay PFC Ronald Centino Dela Rosa, 23-anyos, residente ng Brgy. Alfonso XIII, Quezon, Palawan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa ulat ng PNP, nangyari ang insidente bandang alas-nuwebe ng araw na iyon sa kasagsagan ng kanilang pagsasanay.

Nahirapan umano lumangoy si Ronald bago nalunod na agad naman nasaklolohan ng kanilang kasamahan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sinubukan pa itong isugod sa pagamutan ngunit ideneklara dead on arrival.

Sa medico legal report ng Palawan Provincial Crime Laboratory, asphyxia by drowning o pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ni Dela Rosa.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon dito ng Philippine Marines.