Miyembro ng NPA, 2 iba pa, patay sa engkwentro sa Negros Occidental

Kinumpirma ng komunistang New People’s Army na nasawi sina Kerima Lorena “Ka Ella” Tariman at ang isang “Pabling” sa isang engkwentro kasama ang 79th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Naganap ang bakbakan umano sa Silay City, Negros Occidental noong Biyernes, August 20.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Apolinario Gatmaitan Command ng NPA na si Tariman ay isang revolutionary artist, isang manunulat, at makata.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Dagdag ng grupo, si Tariman ang nagsisilbi bilang party cadre ng Roselyn Jean Pelle Command ng NPA.

Inihayag rin ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army na napatay sina Tariman at Pabling sa 35-minutong engkwentro, habang nasawi rin si Private First Class Christopher Alada mula sa panig ng 79th Infantry Battalion.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Mababasa sa pahayag ng militar na nagsasagawa ang mga tropa ng combat operations bilang tugon sa napaulat na presensya ng mga armadong terorista sa lugar, nang kanilang makasagupa ang tinatayang 10 armadong miyembro ng Northern Negros Front sa bisinidad ng Hacienda Raymundo, sa Barangay Kapitan Ramon.

Narekober naman ng mga sundalo ang isang M16 rifle na may bandolier, isang backpack na naglalaman ng mga cellphones, at iba pa.