Nanindigan ang Philippine Army na hindi bayani ang mga napaslang na miyembro ng grupong New People’s Army na nakipag-engkwentro laban sa 79th Infantry Battalion.
Sinabi ni 3rd Infantry Division spokesperson Major Cenon Pancito III, nagtungo sina Kerima Lorena “Ka Ella” Tariman at ang isang “Pabling” sa probinsya para manggulo sa buhay ng mga tao.
Ipinunto ng opisyal na si Tariman ang dahilan kung bakit hirap sa buhay ang maraming tao sa nabanggit na lugar.

Base sa artikulo ng Philippine Collegian noong February 8, 2021, ay nagsilbi si Tariman bilang dating managing editor ng UP Collegian.
Samantala, ipinagluksa naman ng ama ni Tariman na si Pablo ang pagkamatay ng babaeng anak nito sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Ipinunto niya na pumasok ang anak niya sa state university, nagtrabaho para sa dyaryo ng unibersidad, at naglaho na lang na parang bula ilang taon bago ang graduation nito.