Tele-consult ng OVP, nakakatanggap ng average na 400 tawag araw-araw sa gitna ng pagpsipa ng COVID-19 cases

Ibinunyag ng Office of the Vice President na nakakatanggap ang tele-consultation program nito ng average na 400 tawag araw-araw sa gitna ng pagsipa ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Undersecretary Philip Dy, chief of Staff ng OVP, noong June at July kung saan ay bumaba ang mga kaso, ay mas mababa sa 100 ang mga natatanggap na tawag ng Bayanihan E-Konsulta program nito.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Pero noong nakaraang linggo ay sinabi ni Dy na sumusobra na sa 400 mga kaso ang nakakapasok.

Ipinunto ni Dy na kinailangan na ni Vice President Leni Robredo na mag-graveyard shift para matulungan ang kaniyang staff sa pagpapatakbo ng consultation program.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Matatandaan na inilunsad ng OVP ang programa noong Abril para tulungan ang mga pasyente na may COVID-19 at iba pang mga karamdaman na magpatingin sa doktor sa pamamagitan ng tele-consultation