Ikinakasa na ng iba’t-ibang mga grupo ang planong malawakang kilos-protesta dahil sa umano’y nararanasang kahirapan dahil sa epekto ng walang humpay na pagtaas na presyo ng produktong petrolyo.
Inihayag ni Anakpawis National President Ariel Casilao na nakatakda silang magsagawa ng protest caravan mula Philcoa hanggang Mendiola sa Maynilasa darating na Lunes, October 25.
Ayon Casilao sobrang pahirap para sa mga mamayan ang dulot ng tuloy-tuloy na pagtaas ng langis.
Isusulong naman umano ng grupo sa pamahalaan na suspendihin muna ang pagpapataw ng Excise Tax at VAT sa produktong petrolyo.
Naniniwala ang Anakpawis na malaking tulong ito upang mabawasan ang presyo ng langis.