Malapit nang maabot ng bansa ang 100-million mark sa COVID-19 vaccines procurement.
Ito ang inihayag ni National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr.
Ayon kay Galvez sa ngayon nasa 94.6-million doses na ang natatanggap ng Pilipinas mula sa iba’t-ibang brand ng bakuna.
Sa Linggo nasa 3-million COVID-19 vaccines ang nakatakdang dumating sa bansa habang may mahigit 2-million doses din ang inaasahan mula sa Estados Unidos.
Nitong biyernes aabot mahigit isang milyong Pfizer-Biontech ang natanggap ng Pilipinas mula sa donasyon ng America.