MILF ceasefire team probe Maguindanao ambush

Nagdeploy ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng grupo na mag-iimbestiga sa pananambang noong Sabado ng umaga, February 12, sa Guindulungan, Maguindanao, na ikinasawi ng isa sa kanilang senior commanders at walong kasamahan.

Ayon kay MILF spokesperson Von Al Hag, titingnan ng kanilang ceasefire team ang naturang sitwasyon, upang maiwasan na lumala pa ang naturang insidente.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Kaugnay nito, pinabulaanan ni Al Hag na ang mga suspek ay konektado sa kanila, taliwas sa naunang pahayag ni PNP spokesperson Capt. Fayeed Cana, na ang umano’y ay nakilalang certain Jordan Mama Lintang, alias Commander Jordan, na mula sa Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF).

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Samantala, sinabi ni Al Hag na tinitingnan rin ng MILF kung ang pananambang ay may kinalaman sa halalan. //MHEL PACIA-TRINIDAD