Mas marami nang medical front-liners ang may pagkakataon ngayon na makahanap ng trabaho abroad, matapos taasan na ng gobyerno ng Pilipinas ang deployment cap sa mga health workers.
Sa ngayon kasi, nasa 7,000 na ito na mas mataas sa 3,500 na limit noong 2021.
Ayon kay Villamor Ventura Plan, deputy administrator ng Philippine Overseas Employment Administration, na nakikpag-usap sila ngayon sa Commission on Higher Education at Department of Health upang tingnan kung ipapanatili ang deployment cap.

Matatandaan na nagpatupad ang gobyerno ng annual cap para sa mga nurses at iba pang health workers na gustong magtrabaho sa ibang bansa, para matiyak na may sapat na medical front-liners ang Pilipinas, sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi naman ni Plan na marami na ang mga licensed nurses, matapos na matuloy ang licensure exams noong nakaraang taon. //MHEL PACIA-TRINIDAD