Mike Tyson-Jake Paul fight na-resched sa Nov. 15

Hindi na matutuloy ngayong Hulyo ang inaabangang bakbakan sa pagitan nina former world heavyweight champion Mike Tyson at celebrity turned boxer na si Jake Paul.

Ito’y matapos na ma-ospital si Tyson habang nasa flight mula sa Miami papuntang Los Angeles.

Dahil dito naantala ang pagsasanay ng 58-year old retired boxer.

Sa pahayag naman ng Netflix na siyang mag-eere ng laban, sa halip na July 20, sa November 15 na mangyayari ang laban.

Tiniyak naman ni Tyson na bagama’t nagbago ang schedule, hindi pa rin magbabago ang resulta ng kanilang heavyweight bout dahil sigurado anyang babagsak si Paul sa kanilang laban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *