Nasa 25 libong miyembro ng MANIBELA, lalahok sa ikinasang tatlong araw na tigil-pasada sa Lunes

Hindi umano bababa sa 25 libong mga miyembro ng MANIBELA ang lalahok sa ktatlong araw na tigil-pasada simula sa araw ng Lunes.

Ang transport strike ay protesta ng grupo laban sa paghuli sa mga unconsolidated jeepney.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Ayon kay MANIBELA chairman Mar Valbuena, ang NCR ang magiging pinaka concentration ng kanilang magiging aktibidad.

Giit ni Valbuena ayaw nilang magkaroon ng gulo pero hindi aniya ito maiiwasan kung gagamtin ang pwersa ng gobyerno para pigilan ang kanilang aktibidad.

Read More:  Marcos nears completion of fifth SONA speech

Kaugnay nito, humingi ng pasensiya si Valbuena sa maaapektuhan commuters gayundin sa mga drivers at operators.