Maja, dumaan sa ‘intense 30-hour labor’ para sa kanyang baby

Ibinahagi ng first-time mom na si Maja Salvador ang kanyang delivery journey.

Sa kanyang Instagram post, ikinwento ni Maja ang kanyang mga pinagdaanan na ‘intense 30-hour labor,’ ’12 hours without epidural,’ at ‘3 hours of pushing’ – isang linggo matapos niyang ipanganak si Baby Maria.

Ayon kay Maja, matapos niyang mahawakan nang 10 minutes si Baby Maria ay biglang nagkaroon ng emergency dahil sa uterine inversion.

3 OB GYN umano ang nandoon para kay Maja, lalo pa’t maraming nawalang dugo sa kaniya at bumaba rin ang blood pressure nito.

Wala na raw siyang lakas ng mga oras na iyon, kaya nagpatuloy lang ang kanyang pagdarasal.

Sa kabila aniya ng challenging journey na ito, naging successful din ang lahat.

Pinasalamatan niya ang kanyang hubby; at sinabing ‘EVERYTHING IS WORTH IT” sa kanyang baby!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *