Migrant workers office sa Golden Triangle, target ng DMW

Plano ng Department of Migrant Workers na magkaroon ng migrant workers office sa Golden Triangle na kinabibilangan ng bansang Laos, Cambodia, at Myanmar.

Ito ay sa gitna ng tumataas na bilang ng mga kaso ng human trafficking sa nasabing mga bansa.

Sa bansang Laos pa lamang ay mayroon ng 75 na mga kakabayan nating Pinoy na nabiktima ng human trafficking kung saan ang 52 dito ay naiuwi na sa Pilipinas.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, para makapagpauwi ng mga biktima ng human trafficking ay humihingi pa sila ng tulong sa Departament of Foreign Affairs at Inter Agency Council against trafficking dahil sa walang migrant workers office sa Golden Triangle.

Bukod sa Laos, may mga naiitala rin ang DMW na kaso ng human trafficking sa mga Pinoy sa Myanmar.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Sa ngayon ay tuloy tuloy ang pagbibigay ng tulong ng DMW sa mga kababayan nating napauwi sa bansa matapos mabiktima ng human trafficking.

Bukod sa tulong pinansyal, binibigyan rin ang mga ito ng legal assistance para masampahan ng kaukulang kaso ang kanilang illegal recruiter.