Binigyang-diin ni Department of Agriculture (DA) Asec. Dante Palabrica na hindi naman lumalaki ang kaso ng ASF sa bansa.
Ayon kay Palabrica, controlled ang sitwasyon nito sa areas na dati nang apektado ng sakit.
Bahagyang lumalabas nga lang umano ito dahil sa sunod-sunod na pag-ulan.
Mula sa 2 linggo na umanong pagpapatupad ng mahigpit na checkpoints, mahigit 300 nang baboy ang ibinaon ng ahensya matapos mahuling nagpositibo ang mga ito sa ASF.
Mababatid na kasado na bukas ang controlled vaccination ng ASF, at ang mga baboy mula sa Lobo, Batangas ang uunahing bakunahan nito.