60 pulis – sugatan sa KOJC raid

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasugatang pulis makaraan ang tensyon sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Davao City kasunod ng nagpapatuloy na pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Apollo Quiboloy at 4 pang kapwa akusado nito.

Ayon kay Police Regional Office XI Spokesperson Maj. Catherine del Rey, batay sa record ng kanilang Regional Medical and Dental Unit, nasa 60 pulis na ang nasugatan.

Read More:  Lawyers group offers aid to cop in viral rider incident

Ilan sa tama ng mga pulis ay sa ulo, leeg, sugat sa nose bridge, sa mukha, paa, kamay at knee injury.

Samantala, 2 sugatang kasapi din ng KOJC ang ginamot ng pulisya.

Patuloy naman ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa mga taga suporta ni Quiboloy na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan upang maiwasan ang sakitan.

Read More:  Cayetano seeks suspension of NBI Chief Matibag

Kaugnay nito, 29 na KOJC members ang ipinagharap ng reklamo ng pulisya.

Ilan sa mga kasong isinampa laban dito ay Obstruction of Justice, Direct Assault, resisting arrest, disobedience to agents of authority at BP 880 o Public Assembly Act.

Ang mga ito ay nasa kustodiya ng Davao city police at nakatakdang isalang sa inquest proceedings.