Miami Heat, tagumpay kontra Milwaukee Bucks; 113-104

Binuhat ni Caleb Martin ang Miami Heat sa naipanalo nitong laro kontra Milwaukee Bucks sa score na 113-104.

Ito ay matapos maitala ni Caleb, na naglalaro sa pamamagitan ng two-way contract, ang career-high 28 points para sa host team.

Kaugnay nito ay napantayan ng Miami ang franchise record nito na 22 three-pointers mula sa 47 attempts.

Nagdagdag naman si Kyle Lowry ng 22 points at game-high 13 assists para sa Heat habang nag-ambag naman ang Miami reserve na si Max Strus ng 16 points.

Nagawa rin ng Miami na maputol ang season-worst, three-game losing streak nito sa kabila ng pagliban nina Jimmy Butler at Bam Adebayo dahil sa injuries.