NCRPO, tiniyak na hindi maabuso ang paggamit ng mga pulis ng yantok

Gagamit na ang mga pulis sa Metro Manila ng yantok sa pagpapatupad ng quarantine protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito ay nangako si National Capital Region Police Office director Police Major General Vicente Danao Jr. na hindi maabuso ang paggamit ng yantok.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Ipinunto niya na gagamitin lamang ito sa para ipaalala sa publiko ang pag-obserba sa minimum health protocols gaya nang pagsusuot ng face masks at physical distancing.

Mababatid na ginagamit na ng mga pulis ang yantok at pati na rin ang mega phones sa may bahagi ng Quiapo Churh upang ipaalala sa mga deboto na sumunod sa health standards.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Noong nakaraang taon ay nakuhanan ng video angilang pulis na pinapalo ng yantok ang isang lalaki na may kapansanan sa pag-iisip.