Nagtungo ang mag-asawa na sina Ai-Ai Delas Alas at Gerald Sibayan sa Estados Unidos, kasabay ng selebrasyon ng kanilang fourth wedding anniversary ngayong buwan.
Sa Instagram post ng comedianne ay makikita ang litrato nilang mag-asawa, at pati na rin ang signage ng Dulles International Airport na may nakasulat na “Your Journey Begins With Us.”
Sinabi ni Ai-Ai sa caption ng kaniyang post na tila para sa kanilang mag-asawa ang caption ng signage.
Aniya, “Yes, North Virginia here we come. Our journey begins here.”
Dagdag niya, “Thank you dear Lord and Mother Mary we landed safely. Love you, my darling. This is it, start na ng buhay natin together,”
Dahil diyan ay natanong ng ilang netizens kung balak ba nilang manirahan sa Virginia ng permanente.
Bilang paglilinaw ay sinabi ni AiAi na bakasyon lang ang kanilang pinunta sa naturang lugar.
