MHO Mercedes muling magsasagawa ng bakunahan mamayang hapon

CAMARINES NORTE- Muling magsasagawa ng bakunahan ang Municipal Health Office ng Mercedes mamayang  ala una ng hapon.

Gagawin ito sa MDRRMO Evacuation Center sa Barangay San Roque.

Ang mga babakunahan ay edad 12- 17 taong gulang para sa pediatric population at 18 anyos pataas.

Ito ay ang mga naka -schedule para sa kanilang second dose at ang mga nalagpasan ng schedule ng ikalawang dose sa kanilang vaccination card.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Magbabakuna rin ng booster para sa mga nakapag second dose na higit tatlong buwan na ang nakalipas.

Ang mga magpapabakuna ay pinapaalalahanang dalhin ang vaccination card o kaya ay VaxCertPH.

Moderna o kaya Pfizer COVID- 19 vaccines ang ituturok sa 12- 17 habang sa adult vaccines naman ay AstraZeneca, Janssen, Sinovac at Pfizer.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nitong nagdaang mga araw ay tinungo ng vaccination team ang mga dulo at islang barangay sa naturang bayan.

Batay sa datos ng Covid- 19 vaccination operation center hanggang nitong Marso 30, nasa 23, 724  o 53. 50 % ang fully vaccinated na sa naturang bayan.

Ang mga nakatanggap naman ng booster dose ay 1, 349 o 3. 04 % ng population coverage.