Comelec posibleng magsagawa ng isa pang round ng Operation Baklas

CAMARINES NORTE- Posibleng magsagawa ng isa pang round ng Operation Baklas ang Commission on Elections.

Sa dami kasi ng violations hindi naubos na baklasin ang mga illegal campaign posters partikular sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Sa highway block pa lang kasi ay inabot nang maghapon ang ginawang pagbabaklas ng Comelec Task Force katuwang ang Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources at Philippine National Police.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Hindi na inabot ng Operation Baklas ang River Block dahil kinailangan ng magpahinga ng Task Force.

Sa pakikipag usap ng Brigada News FM Daet kay Election Officer III Virgilio Veras sinabi nito na pagkatapos nilang magsagawa ng imbentaryo sa mga binaklas na campaign materials ay magsusumite umano sila ng report sa Provincial at Regional Office ng Comelec.

Magdedepende aniya sa nakatataas nilang opisina ang susunod nilang hakbang.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Napuno ang truck ng DPWH ng mga binaklas na campaign materials sa maghapong operasyon.

Una na ring sinabi ng opisyal na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa mga kandidato at partido na magpaskil lang ng mga campaign propaganda materials sa mga itinalagang lugar.

Hindi ginalaw ng Task Force ang mga campaign materials sa private property dahil sa inilabas naTemporary Restraining Order ng Korte Suprema noong nakaraang buwan konta sa Operation Baklas.