NAGA CITY—Pagod na ang mga tauhan ng Municipal Health Office Bula sa kakakumbinsi sa ilang Senior Citizens na magpabakuna na subalit ayaw parin dahil sa brand ng bakuna na available sa ngayon.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dra. Mylene Milla, Municipal Health Officer ng Bula LGU na marami parin na mga matatanda ang ayaw ng ibang brand partikular ng Sinovac.
Nagsimula aniya mamili ng bakuna ang mga Senior Citizen nang mayroong ibabang supply ang National Government na Janssen vaccine na single shot lamang ang kailangan ay fully vaccinated kana.
Sa 6,600 kabuuang bilang ng mga Senior Citizen nasa 33% o 2,700 palang ang mga nababakunahan. Kaya naman agad silang humingi ng permiso sa DOH Regional Office 5 para maumpisahan nang mabakunahan ang mga nasa category A4 o mga Economic Frontliners para hindi masayang ang mga bakunang nakalaan sana para sa mga Senior Citizen na agad naman aniyang naapubahan.
Ang bakunahan tatagal ng hanggang sa tatlong araw gamit ang 2,500 doses ng Sinovac na inilaan na para sa mga nasa priority group A4.