Mga kargador sa Naga plano na ring bakunahan vs COVID-19

NAGA CITY- Plano nang bakunahan kontra COVID-19 ang mga porter o mga kargador sa Naga City partikular na sa Naga City People’s Mall.

Ito ay ayon kay Market Superintendent Mon Florendo, aniya ang mga essential workers na ito ay tulad din ng iba na expose sa posibleng carrier ng virus. Delikado rin dahil marami ang mga hindi nag fa-facemask sa rasong hindi komportable at hindi angkop sa kanilang trabaho.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Maliban pa rito, sinabi rin ni Florendo na plano na ring bakuhanan ang mga stall owners at iba pang personahe sa merkado.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sinisikap ng Naga City na 100% nang mabakunahan ang mga A2 at A3 priority group. Tuloy naman ang pagbabakuna sa mga A4.