Mga vaccinated individuals na natatamaan ng COVID-19 nasa 1% lang – US CDC

Mas mababa sa 1% ng mga nabakunahan kontra COVID-19 na nagpositibo sa virus ang naoospital habang mas mababa sa 0.001% ang namamatay sa nasabing sakit.

Ito ang lumabas sa pinakahuling datus ng US Centers for Disease Control and Prevention.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Ayon sa report, ito ay katumbas ng 6,600 na severe breakthrough cases mula sa kabuuang 163 million na fully vaccinated individual.

Lumalabas din sa report ng Kaiser Family Foundation analysis ng marami sa estado sa America ang 90-95% ng mga infected na naoospital at maging ang death toll ay mga hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Samantala, inaasahang maglalabas ng guidance na si New Yor city Mayor Bill de Blasio kaugnay sa pagsusuot ng face mask pero posibleng hindi siya mag-i-isyu ng mandato hinggil dito.