Pinaghahandaan ng pamahalaan ang pag-usbong ng mga underground POGO operations sa oras na ipagbawal na ito sa bansa.
Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), mahigpit nilang binabantayan ang mga foreign POGO wokrers na nananatili sa Pilipinas.
Bagaman may ilang lumabas na ng bansa, marami pa rin umano ang narito at maaaring magpatuloy sa kanilang operasyon sa ilalim ng ibang pamamaraan.
Tiwala ang CICC na kaya ng gobyerno na hanapin ang mga natitirang operatiba ng POGO sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Kasama rito ang mga lokal na pamahalaan na inaatasang iulat ang mga lugar kung saan may clustering ng mga dayuhan.