Mga private security service providers – inatasan ng PNP-SOSIA na magsagawa ng stress management, counselling sa mga sekyu kada buwan

Inatasan ng PNP – Supervisory Office on Security and Investigation Agency ang lahat ng private security service providers na magsagawa ng stress management seminar o counselling sa kanilang mga tauhan kada buwan.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sa Memorandum Advisory No. 058-2024 na pirmado ni PNP-SOSIA Acting Chief Col. Marlou Roy Alzate, layon nitong pangalagaan ang interes hindi lang ng kanilang mga kliyente kundi maging ng “well-being” ng mga security guard.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Nais din ng PNP-SOSIA na maisulong ang kapakanan ng sekyu sa pamamagitan ng sapat na sahod at iba pang benepisyo.

Nakapaloob pa sa memorandum, na ang mga operators ay kinakailangang magsumite ng kanilang compliance report.