Mga taga-suporta ni ex-PRRD – pinagbibitiw sa puwesto si PNP Chief Marbil

Naglabas na rin ng open letter ang mga supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban kay PNP Chief Rommel Marbil.

Ito ay kasunod ng batuhan ng pahayag nina VP Sara Duterte at Marbil kaugnay ang pagbawas ng security detail ng bise presidente.

Ayon sa mga tagasuporta ni dating PRRD, matapos ilantad ng bise presidente ang mga ‘shenanigans’ at ‘grave abuse of authority,’ napagdesisyonan nilang hindi na manahimik pa.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Giit ng mga ito, si Marbil ang dapat naunang mag-call out sa NAIA personnel na kumuha ng screenshots ng departure footage ni VP Sara.

Ipinaglalaban nila na ang vice president ay isa ring Pilipino na nararapat para sa patas na treatment at equal protection.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa huli ng liham, binigyang-diin ng mga supporters na dahil hindi kayang tumayo ni Marbil para pagsilbihan at protektahan ang mga tao – baka panahon na para manahimik ito.

Habang may oras pa umano, at habang kaya pang tubusin ang natitirang dignidad at pride – dapat nang mag-resign si Marbil.