DTI Secretary Fred Pascual, nag-resign sa pwesto

Inanunsyo ng Presidential Communications Office ngayong hapon na nagbitiw sa pwesto si Secretary Alfredo Pascual bilang Kalihim ng Department of Trade and Industry o DTI.

Ayon sa PCO, epektibo ang resignation ni Pascual sa August 2, 2024.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Kaugnay nito, nagpulong si Pangulong Bongbong Marcos at Secretary Pascual sa Palasyo ng Malacañang para tanggapin ang resignation ng Kalihim at kilalanin ang mahalagang naiambag nito sa transformation at restoration ng ekonomiya ng bansa.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ikinalulungkot umano ng Pangulo ang pag-resign ni Pascual pero nirerespeto nito ang naging desisyon ng opisyal na bumalik sa pribadong sektor.

Agad naman daw maghahanap ng kapalit ang Palasyo.